Huwebes, Enero 21, 2010

_


1
Pumili ng isang tula. Isulat
sa piraso ng papel. Itiklop,
ipambayad.


2
Bilangin ang madaraanan ninyong pulubi
at taong-grasa sa lansangan. Isulat
kung ilan ang nabilang sa piraso ng papel.
Ipambayad.


3
Magdala ng rosaryo.
Ipambayad.


4
Matulog sa biyahe.


5
Magkunwaring tulog.
Sumandal sa katabi.


6
Magdala ng isa o dalawang kahon
ng beer. Mamahagi sa mga kapuwa pasahero,
sa kundoktor, pati na rin
sa tsuper.


_
_


In my dreams, we hold hands.


_

Sabado, Enero 16, 2010

_



He already knows the way home.


_

Biyernes, Enero 8, 2010

_


Tagsibol

Habang pinanonood ang Princess Sarah, nakatihan niyang tanungin ang ama: Ano po ang tagsibol?

Saglit na tumigil sa pagbabasa ng dyaryo ang lalaki, inayos ang salamin sa mata, at sumagot: Itanong na lang natin kay Kuya Kim.



_

 

Copyright 2010 bugtong-hininga.

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.