_
Paggising Ko
Isa ka na lamang hubog sa aking tabi.
At sa pagpatag ng iyong hinigaan
ang alaala mo ay gumaan
tulad ng ilang hibla ng iyong buhok
na nananatiling himbing -
at hindi na magigising -
sa kalawakan ng aking kama.
(2008)
_
Poems Discussed in “Twist!: New Directions for Teaching Poetic Turns”
2 linggo ang nakalipas

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento