_
1
Pumili ng isang tula. Isulat
sa piraso ng papel. Itiklop,
ipambayad.
2
Bilangin ang madaraanan ninyong pulubi
at taong-grasa sa lansangan. Isulat
kung ilan ang nabilang sa piraso ng papel.
Ipambayad.
3
Magdala ng rosaryo.
Ipambayad.
4
Matulog sa biyahe.
5
Magkunwaring tulog.
Sumandal sa katabi.
6
Magdala ng isa o dalawang kahon
ng beer. Mamahagi sa mga kapuwa pasahero,
sa kundoktor, pati na rin
sa tsuper.
_
On Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula
1 taon ang nakalipas