_
Habang tinitiklop ng kamatayan
ang isang dahon, umuungol ang
tangkay ng usal. Nagdarasal
sa saliw ng hangin. Buhay ang
agos ng tubig sa bukal. Nauuhaw
sa tenga ng dahon ang lupa.
Kung bakit tinatabunan
ng sanlaksang pagtiklop.
Walang nakaaalam
liban sa isang dahon
na tinangay ng hangin. Napadpad,
parang tinig ng huling awit,
pinag-iimbay ang tubig at hangin,
ang lupa at apoy
sa nanlalamig mong palad.
JC Casimiro, Brandon Dollente, Japhet Calupitan, Rachel Marra at EJ bagacina (2009)
_
Sabado, Mayo 16, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento